Wednesday, May 25, 2011

Trip to Buruwisan Falls, Famy Laguna Feb 2008

(This was one of my favorite post from my old blogsite from the now extinct friendster.com Posted from friendster blog last: February 26th, 2008) It's now updated with photos para mas amazing!

It all started ng magtext si yaya ai at dianners a week before ata bout magmountain climbing daw. So sobrang excited naman ako sumama na kahit ala na pera sugod pa rin na walang pagdadalawang isip na makaexperience ng “ULTIMATE ADVENTURE OF A LIFETIME”! Hehehe…..kamusta naman dati malling malling lang gimik naming magbabarkada…





tapos napunta sa mga resort…..







tapos biglaang plano pumunta sa beach sa Batangas ...



ang now…..sa famy, laguna naman daw.


So I expected na ordinaryong outing lang at nature tripping…..pero with a twist pala! At ang twist literal na nangyari sa bawat taong umakyat sa bundok na yun….hehehe well nyways, here’s the story……
Saturday morning after shift nag-inuman pa with teammates 1 boteng san mig lyt and konting patak lang ng happy horse(ultimate version ng red horse). Onti lang ininum ko kasi kelangan ko energy para naman makauwi pa ng bahay at makapag-empake para sa “ULTIMATE ADVENTURE OF A LIFETIME!”
11am nagkita na kami ni dianners (na halos mamutla na at mamuti na mata kakaintay sakin…kamusta ang heavy ng traffic sa libis…) so ayun naggrocery na kami ng mga basic needs like food and water and of course alang kamatayang cup noodles! Hehehehe.
Then after kumain at magshopping ng pagkain….nakipagkita na kami kay ai….so kamusta naman ang mga backpack naming ni dianne na kasing laki ni ai….hehehe after ilang minuto ..at last dumating na si ai….so punta na kami bahay nila ai then sugod na sa meeting place ng tropa…..Robinson’s…..somewhere……di ko lam ung lugar basta dun na un….at ng magkita kita na kaming 6….sugod na sa tanay rizal to meet jess and para kunin iba pa gamit na hiramin para sa ….“ULTIMATE ADVENTURE OF A LIFETIME!”
Before dumilim nagbyahe na kami papunta Famy, Laguna. Inabot na kami ng dilim sa kalsada ng makarating sa Famy, laguna….at syempre picture picture  muna before anything else…..hehehe. Nga pala sa kasamaang palad….brownout sa baranggay na binabaan namin!!! Sa good luck naman umpisa pa lang parang nagbabadya na….hehehe so lakad pa rin ang tropa sugod sa dilim…kasama naman namin si santi at renz….mga beterano na sa pag-akyat sa bundok. So akad kami sa kadiliman, habang tinatakot ng mga batang epal sa kanto na kesyo andami daw nawawala sa bundok! O di ba sobrang nakakaencourage!!!
Mga 7pm na ng nakapagregister na kami sa 1st leg ng endurance race! Umarkila na kami ng kabayo para magdala ng ibang gamit papunta sa camp site….kasi daw d kakayanin pag buhatin lang habang naglalakbay.
Eto na naglakad na kami patungo sa mas madilim na gubat….bitbit lang 3 flashlight at mga bag naming kasing laki ni ai. Umpisa excited pa kasi ba namn 5 samin 1st timers sa ganung mga trip!…virgin ika nga….so sugod ang grupo…lakad….lakad…lakad…lakad…kwentuhan…picture picture pa on the side….lakad…akyat…dulas…dapa…subsob…lakad….sugat ditto…gasgas dun….akyat dito….hanggang sa dumating ang 10pm na lakad pa rin kami ng lakad na parang walang katapusang paglalakad sa gitna ng kagubatan. At dumating na rin ang point na din a gano nagkukwenthan pano puro ….mura na sinasabi namin while making dulas on the knee-high putikan! hehehe
Humangin na rin at medyo maulap so good luck na naman…putikan na ng kami, madilim pa at as an added bonus umulan pa ….ayos talaga ang “ULTIMATE ADVENTURE OF A LIFETIME” naming!
Dumating din point na umiinit na ulo ng mga peeps coz of frustration na rin na hinaluan ng pagod…pero understandable naman. Sa isang kubo nagpahinga muna kami after mga 4hrs ng paglalakad ng hals walan tigil. Coz parang feeling namin nawawala na kami kasi ala na kami makitang any signs of human being sa lugar…at ang buong kagubatan ay nababalutan lang ng dilim. Pero It’s weird sa lugar na un di ako nakaramdam ng talot na baka may engkanto, multo, wild animals, lions, tigers, anacondas, penguins, giraffes at hippopotamus. O baka biglang sumulpot si Igamu…bitbit ang mga alagad ng kadiliman at ang halimaw na gawa sa pira-pirasong bakal, bote, scotch tape at paper mache…..awa ni Lord ala naming ganung lumabas.
Habang nagpapatila kami ng ulan. Kumain na rin muna at uminom ng tubig…at rootbeer. We tried to contact mga friends ni santi na dati na umakyat sa bundok na kabisado na ang lugar….thank God ang nagiisang fone na may signal ng e gumana. Nakausap din ung guy (buti gising pa) at nakahingi ng direksyon. So naghati ang grupo sila jess, santi at renz nauna muna umalis dahil masama na rin pakiramdam ni lester and Dianne. Si Dianne nangangatog na sa ginaw. Pinaghalong basang damit at malamig na hangin. Si lester naman hirap na rin maglakad coz of mga galos sa paa. Ako as usual kain ng kain habang nagpapahinga….si ai text ng text habang ung tatlo binaybay na ang kadiliman. So nagging bonding moment muna naming 4 ung pahinga.
After mga 45 mins tumawag na si santi para iconfirm na safe na sila at pinasundo na kami sa ranger. Maya maya 2 grupo ng hikers na rin ang napadaan sa kubo na kinapwestuhan namin. Makalipas isa pa mga 45 mins dumating ang  na ang mga tagapagligtas! Hehehe ayun empake na ulit at byahe. Back to reality ika nga. Sugod uli sa ulan, putik, bundok at dilim. Lakad lang ng lakad at bumating ang pinaka matarik na point ng trecking na sobrang dulas mga 70 degree angle siguro ung bundok. Tas puro damo.
Ala talaga makakapitan . hala sige gapang kung gapang hehe buti andun sila manong to da rescue na hatakin kami pataas sa bundok. Thank God naakyat naming 4.
After ilang minuto pa narating din naming ang camp site….I was so excited ayun lublob agad sa ilog habang nagpapaanod ng putik sa damit ko at sapatos. Ang kawawa kong sapatos….naligo sa putik ng di oras hehehe..after magbabad sa ilog nagayos lang ng sarili mga 4am na ata kami nakatulog.
Mga 7 am nagising ako na nangangatog sa ginaw. Kala ko may aircon ang kubong tinulugan namin. Pag gising ng lahat….usual almusal, at mga morning rituals.
Hinanap na rin naming ang pinagmamalaking Buruwisan falls…as usual baba kami sa isang matarik na cliff gamit mga ugat ng puno at mga bato. Grabe ang ganda ng falls parang ung mga nakikita sa mga nature shows. Napawi ang pagod ng ilang oras na paglalakad.
Makalipas ang tanghalian, nagempake na kami para makababa na ng bundok. Pero this time natuto na kami lahat ng bag at gamit pinabuhat na sa kabayo!!!!bwahahaha! tubig at cell phone at camera na lang binitbit namin bwahaha. This time din since kita na naming ang daan mas madali na bumaba ng bundok at grabe dun ko naapreciate ang buong kagubatan! Buti mejo maaraw na. Remember ung 70 degre angle bundok….no effort na….nagslide na lang kami pababa! Bwahuhuh sarap pala magslide sa maputik na burol!
Para kaming mga bata na nagpadausdos sa bundok. Narating din namin ang isang magandang bundok na napapaligiran ng talahib. So todo picture picture kami na parang amin lang ang tuktok ng bundok!!! What an experience being on to of the world! Ito na ang “ULTIMATE ADVENTURE OF A LIFETIME!”
After ilang oras ng paglalakad nakarating din kami sa dulo ng paglalakbay ang registration site! At long last ….sibilisasyon!!!!!!!!!!!!
Mga 6pm na kami nakababa ng bundok at nagbyahe na kami papunta uli kila jess. Dun na nagkakwentuhan sa lahat ng nangyari sa trip. Pinaghalo halong pagod, saya, onting inis, gutom, uhaw at lahat lahat na.
I’m so happy na na-experience ang kabundukan with my closest friends – ai and dianners! Sobrang di ko makakalimutan ung experience na un coz of course din a mauulit ang adventure na un….yaw na namin! Wahaha…kidding…pero given a chance na makapgtravel uli at nature tripping…why not?
One more thing to add..... the best thing happened was sobrang tulungan ang bawat isa sa paglalakbay

Photos:

     Registration Area:


     
 Let the Night Climb Begin!




     The Camp Site:



     Our Bagahe Carrier:




     2nd Campsite:



     The Buruwisan Falls....sulit ang pagod!






     The Descend





     The unli-putik






     The Grass Land and mala bagyong hangin



     Op kors da production number and jump shots










Famy / Buriwisan Climb Photo credits from Jesus Limot

No comments:

Post a Comment